Flashback Part 1
Wow! Ang tagal kong nawala. I don’t know where to start. Ang dami kong kwento pero di ko alam kung saan ko sisimulan.
Well, sige kwento na lang ng kwento as if may kausap. Hehehe.
Sige sisimulan ko ang kwento from 2007. (Flashback ba? Humanda kayo kasi isang taong kwento ‘to. Hehehe.) Nagkakalabuan kami ni Kazu. As in ang labo talaga. Lagi kaming nag-aaway as in magkatitigan lang eh nagtatalo kami. At wala namang manalo dahil pareho kaming matigas ang ulo.
Ako naman as usual eh anal-yze ng anal-yze kung ano talaga ang naging problema namin. Siguro nagkasawaan na kami dahil lagi kaming magkasama sa bahay at trabaho. As in araw at gabi eh magkasama kami. Tapos hindi rin namin mapaghiwalay ang professional (naks!) at personal life namin. I mean sya ang boss sa work, pero sa bahay dapat pantay lang di ba?
Anyway, nagtapos ang lahat ng mahuli ko syang nangangarir ng iba. Galing ako nuon sa Tokyo Disneyland kasama ni Ate Noems (sister ko). Pagdating ko eh wala sya sa bahay. So pumunta ako sa kwarto nya at naghalungkat. Hanap-hanap ng ebidensya. At ayun lumitaw na! Picture nya with a boylet sa “Purikura“. Nagpunta pala sila sa Okayama…at nagpa-picture pa! Tapos ng tingnan ko ang isang wallet sya, lumitaw naman ang isang “origami” na pa-heart shape. Nangbuklatin ko eh may message pa sa loob with matching picture ulit. Actually, hindi pa openned ang origami/letter so hindi pa siguro nababasa ni Papsy yun nung basahin ko.
To be continued…