0

Bawal ang gay sa cheering squad ng Letran?

Posted by denniscaba on September 1, 2007 in Uncategorized |

Nanonood ako kahapon ng “Eat Bulaga” (don’t ask why) kung saan ang mga contestants sa isang game nila ay mga cheerleaders. Nang mapili ang isang cheerleader na guy, tinanong sya ng host: “Ano ba ang requirement para makasali sa cheering team ng Letran?”. Ang sagot nya: “Walo po basta bawal lang ang third sex or gay.” (Hindi yan exactly ang sinabi pero something to that effect.)

So ang tanong ko lang, may screening pa ba ng sexuality ang mga gustong maging members? Paano kaya ang audition, may ipapakita silang mga flash card ng mga nakahubad na lalake at babae and TITIngnan nila kung may tatayo ba o wala?

Hay naku sayang…gusto ko pa man ding sumali. (As if kaya kong mag-split!)

Gusto ko sanang magalit dahil inamin nya na on national TV pa na dini-discriminate nila ang mga gays sa cheering squad nila pero who cares ba? Sino ba namang gay ang gustong sumali sa mga cheering squad? (Imagine magbubuhat ka ng mga girls at hahawakan mo sila sa puwet!) And besides hindi sa cheering squad nag-o-audition ang mga gay men ‘no…sa basketball team! ;)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Copyright © 0000-2012 Dennis Caba All rights reserved.
This site is using the Desk Mess Mirrored theme, v2.0, from BuyNowShop.com.